Trending ngayon sa Twitter ang "Jin Ramen" at si BTS member Jin dahil sa pagiging endorser nito, ayon sa ulat ngayong Nobyembre 9, 2022.

Screengrab mula sa Twitter

Ayon sa ulat, pinili ng Jin Ramen company si Kim Seokjin o Jin bilang kanilang modelo/endorser dahil nagtutugma umano ang values ni Jin gaya ng sinseridad sa musika at "soft charisma", sa values ng kompanya at katangian ng naturang ramen.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Larawan mula sa Twitter

Tuwang-tuwa naman ang mga may "bias" kay Jin dahil tama lang daw na si Jin ang kunin nilang endorser. Kumalat pa ang video ng BTS noong 2016 kung saan makikitang kumakain sila ng ramen, at natutuwa si Jin na magkapangalan sila ng ramen na nilalantakan nila.

"Jin is the first ever model of jin ramen since its launch in 1988 and this is the craziest thing ever, it’s big for jin ramen and it was also jin’s dream said in 2016 🤯 this is hugeeee," saad ng uploader.

https://twitter.com/bemyjinnie/status/1589873430010433536

Screengrab mula sa IG ng Ottogi_Daily

Sumang-ayon naman dito ang mga netizen. Anila, isa sa mga dahilan din kung bakit bumibili sila ng Jin Ramen, bukod sa masarap talaga ito, ay kapangalan ito ni Jin ng BTS.

"+ all the jin ramen jokes we’ve been making in recent years + buying jin ramen because it’s called jin and then realised it’s actually super tasty + having your local friends send you photos of jin ramen at the mart just because u love jin they say you should eat it lmao."

"Yes! Finally! We can now taste Jin thru Jin Ramen!"

"Sarap ni Jin este Jin Ramen!"

Makikita umano ang TV commercial sa Nobyembre 11.