Marami sa mga netizen ang nagbigay ng reaksiyon sa makahulugang banat ng aktor na si Romnick Sarmenta na ibinahagi niya sa kaniyang Twitter account nitong Nobyembre 7.

Sa pamamagitan ng kaniyang sulat-kamay na tula na isinulat sa paraang "calligraphy", ang tula ni Romnick ay patungkol sa isang "clown" o payaso na nakapasok sa palasyo.

"When a clown enters a palace, he doesn't become a king; The palace becomes a circus," saad ni Sarmenta.

"There's a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it's called discernment."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me," saad pa ni Romnick.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/">https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/

Naniniwala naman ang mga netizen na may himig-politikal ang patutsada ni Romnick sapagkat hindi ito ang unang beses na nagpahayag siya ng mga ganitong cryptic post. Isa si Romnick sa celebrities na walang takot na nagpapahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa mga usapin o isyung panlipunan at pampulitika sa kasalukuyan.

Nagpahayag ng pagsuporta si Romnick sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong nagdaang halalan. Ang nagwagi ay si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Bagama't wala namang binanggit na kahit sinong pangalan, nagbigay ng espekulasyon ang mga netizen na si PBBM ang binubuweltahan nito.

Sa isa pang tweet, sinabi ni Romnick na natatawa na lamang siya sa mga taong nagsasabing "irrelevant" siya.

"I find it funny that people keep saying I have become irrelevant, and then watch out for every post. Then they repost and talk about me," ani Romnick sa kaniyang tweet nitong Martes, Nobyembre 8.

"Common sense isn't common I guess," aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/romnick-sarmenta-may-buwelta-sa-mga-taong-nagsasabing-irrelevant-siya/">https://balita.net.ph/2022/11/09/romnick-sarmenta-may-buwelta-sa-mga-taong-nagsasabing-irrelevant-siya/

Narito naman ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen tungkol sa kaniyang mga naging cryptic posts na mababasa sa comment section ng Balita Online.

"Bakit madami galit? Wala naman pangalan binanggit?"

"Nagiging relevant lamang siya pag pinapansin at pini-flex lalo ng media kaya I suggest sa mga naiinis sa kaniya, wag nang patulan kasi naghahanap lang din 'yan ng atensyon kaya ganiyan 'yan. Sumasakay sa bandwagon para bumango ulit ang career."

"Absolutely right! Wag na kasi tumahol ang mga utaw haha, clown naman talaga."

"Ang labo ng statement na 'to. Baka if a clown is crowned as the king ibig niya sabihin. Kahit sino pumasok sa palasyo pumasok lang siya hindi siya ginawang hari."

"That's ungrateful. Wag panay criticize lang. Be constructive."

"May tinatamaan na mga trolls kahit wala namang nabanggit. 😅 But Romnick said it so perfectly."

"Ikaw na lang kaya pumasok sa palasyo Romnick hiyang-hiya naman kami sa'yo."

"Dami galit kasi may tinatamaan kahit wala naman sinabing pangalan."

Samantala, may ilang mga netizen ang nagsasabi namang "plagiarized" daw ito dahil galing sa isang ancient "Turkish proverb".

"When a clown moves into a palace, he doesn't become a sultan/king. The palace becomes a circus," saad dito.

Screengrab mula sa Twitter account ni Romnick Sarmenta

Screengrab mula sa FB page ng Balita Online via René Astudillo

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Romnick tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa panig ng aktor.