Hanggang ngayong Miyerkules, Nob. 9 na lang bukas ang channel para sa cash donations ng parehong Angat Buhay ar Tanging Yaman Foundation para sa mga nasalanta ni bagyong Paeng.
Ito ang inanunsyo ng non-government organization nitong Miyerkules habang nananatiling bukas naman ang kanilang pagtanggap ng in-kind donations hanggang bukas, Huwebes, Nob. 9.
Para sa tracking ng donasyon, hinihikayat naman ng NGO na ipadala sa [email protected] ang mga resibo ng cash donations.
Kabilang sa tinatanggap pa rin na mga in-kind ay ang mga sumusunod: kumot, canned goods, instant noodles, biscuits, bigas, bottled water, sanitary kits, face mask at alcohol.
Maaaring ilagak ang mga donasyon sa Loyola Schools Coverered Courts, Ateneo de Manila University sa Katipunan, Quezon City.
Noong Nob. 2, sa ulat ng Angat Buhay, umabot na sa 10,120 pamilya sa mga apektadong lugar ang naaabutan ng kanilang tulong.