Nakatakda nang simulan sa susunod na taon ang 419 hektaryang reclamation project sa Manila Bay.

Ito'y matapos na lagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang isang  Dredgefill Extraction Operations Agreement para sa Horizon Manila Reclamation Project sa Manila Bay.

Ayon kay Lacuna, ang proyekto ay sisimulang gawin ng proponent nito na JBros Construction Corporation sa ikalawang bahagi ng taong 2023.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Lacuna at ng pangulo ng korporasyon na si Engr. Jesusito Legaspi Jr.. Sinaksihan ito nina Vice Mayor Yul Servo-Nieto, District 3 Congressman Joel Chua at miyembro ng Manila City Council. 

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nabatid na sakop ng reclamation ang tatlong isla na gagawing industrial at commerical projects, gayundin ng public housing para sa mga residente ng Maynila.

Ayon kay Lacuna, ang naturang joint venture ang unang reclamation project ng lokal na pamahalaan ng Maynila na itinuturing na pinakamalaking  reclamation project sa lungsod.

Ang proyekto ay inaprubahan ng  Philippine Reclamation Authority noong 2019 at ang Memorandum of Understanding ay nilagdaan sa pagitan ng Lungsod at Philippine Reclamation Authority noong Hunyo 2, 2017.

Ang master plan para sa proyekto ay idinisenyo ng WTA Architecture + Design Studio, isang local Filipino architecture at design firm.

Nabatid na ang master plan ay para ss paglikha ng komunidad para sa 100,000 residente.