Nasa 19 na suspek ang naaresto sa serye ng anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa ilang bayan ng lalawigan ng Bulacan nitong Martes at Miyerkules, Nob. 8 at 9.

Kinilala ni Col. Relly B. Arnedo, Bulacan police director, ang naarestong drug suspect na isang Jr Lugtu ng nasabing barangay.

Nakumpiska sa kanya ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 25 gramo.

Arestado din ang walo pang drug suspect sa magkakaibang anti-illegal drug operations sa Calumpit, Obando, City of San Jose Del Monte (CSJDM), at Sta. Maria noong Miyerkules, Nob 9.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober sa kanila ang kabuuang 37 sachet ng shabu, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Siyam pang wanted sa batas ang inaresto rin ng pulisya sa iba't ibang manhunt operations sa Bustos, Norzagaray, Plaridel, CSJDM, at Sta. Maria.

Kinasuhan sila ng qualified theft, light threat, estafa, theft, unjust vexation, slight physical injuries, attempted homicide, reckless imprudence resulting in damage to property; at para sa paglabag sa RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act).

Ang mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting units o police stations.

Freddie Velez