Dalawang mapalad na mananaya ang maghahati sa₱5.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Batay sa abiso ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na matagumpay na nahulaan ng dalawang lucky winners ang six-digit winning combination na 09-06-29-07-05-19 kaya’t napanalunan nila ang katumbas nitong premyo na₱5,940,000.

Ang kanilang lucky tickets ay nabili ng mga lotto winners sa lotto outlet sa Lipa, Batangas at sa San Antonio, Zambales.

Samantala, mayroon rin namang 78 indibidwal ang nakapag-uwi ng tig-₱24,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, pinayuhan ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga lucky winners na upang makubra ang kanilang premyo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang lucky tickets at dalawang balidong IDs.

Muli ring hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado.