Nagbigay ng reaksiyon ang online personality na si "Valentine Rosales" sa naging pagpuna ng showbiz columnist-talent manager na si Lolit Solis sa pagfa-fan girling ni Kapamilya actress-TV host Kim Chiu, sa Korean supergroup na "Blackpink".

“Dapat siguro sabihan si Kim Chiu na huwag ipakita masyado iyon kilig niya sa Blackpink,” anang Lolit sa kaniyang Instagram post, Lunes, Nobyembre 7.

“Kasi parang nagyayaya pa si Kim Chiu na hangaan ng mas marami pa ang Blackpink na isang foreign group,” dagdag niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/07/manay-lolit-pinuna-ang-pagpa-fangirl-ni-kim-chiu-sa-blackpink-local-artists-daw-muna/">https://balita.net.ph/2022/11/07/manay-lolit-pinuna-ang-pagpa-fangirl-ni-kim-chiu-sa-blackpink-local-artists-daw-muna/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi ni Kimmy na kahit hectic ang schedule niya ay nagawa niyang manood ng concert ng sikat all-female group sa US.

Basahin: Kapamilya star Kim Chiu, VIP sa concert ng K-pop group BLACKPINK sa US – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"Mas magandang ini-encourage mo ang mga fans na mas hangaan ang mga local artists natin lalo na ngayon na parang naghihingalo na ang showbiz industry," aniya pa.

Sa comment section ng Balita Online kung saan napaulat ito, nagkomento naman ang social media personality na si Valentine.

"Luh, ba't mo pinapakelaman yung Idol ko, hayaan mo siya mag-enjoy at panoorin yung gusto niyang artists wag mo siya mandohan!"

"Paladesisyon yarn?" aniya pa.

Screengrab mula sa FB page ng Balita Online

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Lolit tungkol dito.

Anyway, isa si Kim sa hosts ng pinakabagong reality show/competition ng ABS-CBN, ang "Dream Maker: Search for the Next Global Pop Group kasama si Ryan Bang.