Ibinahagi ni Senadora Risa Hontiveros ang litrato ng papel kung saan mababasa ang sulat-kamay na mensaheng ipinadala sa kaniya ng live-in partner ng napabalitang delivery rider na natagpuang walang buhay habang nakahiga sa kaniyang motorsiklo, dahil sa pagtatrabaho, noong Nobyembre 1 sa Pasig City.

Ibinahagi ito sa Facebook post ng isang netizen at delivery rider din na nagngangalang "LA Ocampo".

“R,I,P sau paps,,,nkakalungkot man icipin pero sumabay kapa sa nov,1 sana pinahinga mo nlng sa bahay nyo,,,sa mga kapwa ko delivery rider kpag hndi na kaya ng katwan at nkakaramdam na ng pagod mas mabuting ipahinga nlng,,,saludo aq sau paps kumakayod ka pra lng my maiuwing pera at may ipakain sa pamilya mo,,,sa pamunuan ng lalamove sana mpansin nyo din si kuya,,,condolence din sa pamilya mo kuya,,,sana alam na nila qng anong nangyri sau ngaun,,,,” saad sa caption ng Facebook post.

"Sulat ng partner ng delivery rider na si Noel Escote, na natagpuang patay sa Pasig City habang nakasampa sa kaniyang motor. Isang halimbawa si Noel ng Pilipinong nagsisikap na magdeliver para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya," ani Sen. Risa. Kinilala ang live-in partner ni Noel na si "Jennifer Bocboc".

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Kaya naman, nanawagan ang senadora sa kompanya ng delivery service na pinagtatrabahuhan ni Noel Escote, kaisa ng pamilya nito, na magpaabot ng tulong sa kaniyang mga naulila upang mabigyan man lamang siya ng disenteng libing.

"Currently, delivery riders are categorized as 'independent contractors' as opposed to employees. Therefore, they are not qualified to receive social protections under our labor laws."

"Wala ring malinaw na patakaran para sa accident at health insurance, kaya magandang maipasa na ang POWERR ACT to fill in the said gaps," giit pa ni Hontiveros.

Mababasa sa liham ng live-in partner ni Noel na masama na raw pala ang pakiramdam nito noong bumiyahe ito, subalit pinilit na lamang na lumabas upang kumita.

Habang naghihintay raw ng customer sa Kapitolyo ay dito na nga ito nawalan ng buhay. Nakasaad umano sa police report na hindi matukoy ang dahilan ng kaniyang kamatayan, at suspected na dahil sa Covid-19.

Hiling ng partner ni Noel na sana raw ay matulungan sila ng senadora na mailapit ang kanilang sitwasyon sa "Lalamove" upang kahit paano ay makatulong sa kanilang pagpapalibing.