Usap-usapan ang makahulugang pasaring ng aktor na si Romnick Sarmenta na ibinahagi niya sa kaniyang Twitter account nitong Nobyembre 7.

Sa pamamagitan ng kaniyang sulat-kamay na tula na isinulat sa paraang "calligraphy", ang tula ni Romnicl ay patungkol sa isang "clown" o payaso na nakapasok sa palasyo.

"When a clown enters a palace, he doesn't become a king; The palace becomes a circus," saad ni Sarmenta.

"There's a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it's called discernment."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me," saad pa ni Romnick.

https://twitter.com/Relampago1972/status/1589540745840832513

Naniniwala naman ang mga netizen na may himig-politikal ang patutsada ni Romnick sapagkat hindi ito ang unang beses na nagpahayag siya ng mga ganitong cryptic post.

Nagpahayag ng pagsuporta si Romnick sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong nagdaang halalan. Ang nagwagi ay si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.