Inihain ni Senador Risa Hontiveros ang Proposed Senate Resolution No. 279 na nananawagan sa Senado na agad tingnan ang pagpapabuti ng pagsasanay sa mga marino matapos magbanta ang European Union (EU) na iba-ban ang tinatayang 50,000 Filipino seafarers dahil sa hindi pagsunod sa international standards para sa pagsasanay.

Sa kaniyang resolution, sinabi ni Hontiveros na sakaling magpasya ang EU na hindi na kikilalanin ang mga Certificate of Competencies (COCs) na hawak ng mga Filipino seafarer, at pagbawalan silang mai-deploy sa mga barkong may bandila ng EU dahil sa hindi pagsunod, ito ay "hindi lamang magdudulot ng panganib at malaking pagkagambala sa ekonomiya, ngunit malaking pinsala rin sa reputasyon ng Philippine maritime industry."

“Nakataya ang reputasyon at trabaho, pati na rin ang kapakanan ng mga pamilya ng 400,000 Pilipinong marino sa buong mundo sa isyung ito. Matinding gulo sa eknomiya natin ang haharapin natin if ship owners and operators look elsewhere for seafarers to crew their vessels. It will be very hard for our country to recover,” sabi ni Hontiveros.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga Filipino seafarers ay may malaking kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas, na nag-remit ng USD 6.54 billion noong 2021.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isiniwalat din ng senador na noong pang 2006 nagbibigay ng babala ang EU sa bansa.

"16 na taon na pala tayong binibigyan ng warning. It’s high time we summon MARINA and CHED to the Senate, para maaksyunan na itong mga reporma. They need to show Congress that they are taking definite steps to resolve this issue. One of the shortcomings listed was that kahit program design ng maritime courses hindi pa na-finalize ng CHED. This is one of our most important industries, dapat may sense of urgency. We need to honor our commitments under the STCW Convention. This will also help us maintain our status in the IMO whitelist," aniya.

"On a recent work trip, may mga nakasama akong mga marino na papuntang Aberdeen at galing sa Montenegro na sang-ayon sa pagpasa ng Magna Carta of Seafarers bill. Iniinda nila ang ibinabayad nilang buwis sa ibang bansa dahil pakiramdam nila hindi nila napapakinabangan ang kinakaltas sa kanila. On top of this, sobra sobra ang fees para sa skills development na kailangan nila to remain competitive and protected. May nakasama din akong babaeng seafarer, at sang-ayon siya sa gender-responsive provisions ng Marino bill. Madaming isyu talaga ukol sa welfare protection nila, kaya dapat ng gawing prioridad ang pagpasa ng batas na ito.

"Long term reforms will ensure better job security and employability of our seafarers. With all the sacrifices marinos make doing this dangerous job far away from their families, we also owe them up-to-date training that can save their lives and those of their passengers."