Inirerekomenda pa rin ng mga pediatrician ang mga mag-aaral at guro na magsuot ng kanilang mga face mask sa loob ng mga silid-aralan kasunod ng desisyon ng gobyerno na gawing opsyonal ang naturang proteksyon sa bansa.

Parehong hinihimok ng Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang patuloy na pagsusuot ng face mask sa mga indoor school facility para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 virus.

Sa isang press briefing noong Martes, Nob. 8, sinabi ni PPS President Dr. Florentina Ty na ang pagsusuot ng face mask kasama ng iba pang health protocol ay mahalaga sa puntong ito dahil sa pagkakaroon ng mga bagong variant ng Covid-19 sa bansa.

“The PPS and PIDSP reiterate that while there are profound benefits of in-person learning, the threat of Covid-19 among vaccinated and unvaccinated children persists, and so wearing of facemasks in indoor school facilities must be continued to decrease the risk of SARS-CoV-2 transmission,” ani Ty.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Preventive measures such as appropriate use of face masks, ventilation and physical distancing have been suggested in some studies to have significantly reduced secondary transmission. Correct and consistent mask use by all students, teachers, staff, and visitors is particularly important when physical distance cannot be maintained,” dagdag niya.

Inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 7 noong Oktubre 28 na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa panloob at panlabas na mga setting.

Noong Nobyembre 1, sinabi ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa na pinapayagan na ang opsyonal na pagsusuot ng face mask sa loob ng mga silid-aralan kasunod ng direktiba na nakasaad sa EO No. 7.

Analou de Vera