Tigil na ang anti-Covid-19 vaccinations sa mga city-run hospitals tuwing weekends.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes na nagsimulang ihinto ang hospital vaccinations tuwing weekends noong Oktubre 28 pa.

Layunin aniya nitong bigyan ng sapat na panahon ang mga health care workers na ibalik ang kanilang normal daily operations sa mga ospital kung saan sila orihinal na nakatalaga.

Gayunman, sinabi ng alkalde na tuloy pa rin ang mga schedule of vaccination sa apat na designated shopping malls, six district hospitals at 44 health centers tuwing weekdays.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kasabay nito, iniulat ni Lacuna na hanggang noong Oktubre 28, 2022, ang kabuuang bakuna na na-administer sa lungsod ay nasa 3,830,266 na.

Ayon kay Lacuna, matagal nang nalagpasan ng Maynila ang target number ng eligible population na kailangan na mabakunahan.

Kasabay nito ay patuloy ang panghihikayat ng alkalde sa lahat ng hindi pa nababakunahan at natuturukan ng booster na magpabakuna at magpa-booster na.

Binigyang-diin ni Lacuna na hindi dapat na magpabaya ang mga mamamayan kahit bumaba na ang bilang ng tinatamaan ng Covid-19, pati na rin ang positivity rate nito, dahil nananatili lamang ang Covid-19sa paligid.

Inanunsyo din ni Lacuna na ang occupancy rate sa anim na pagamutan na pinatatakbo ng lungsod ay nasa six percent na lamang at ang lahat ng mga ito ay moderate cases.

Sinabi pa ng alkalde na sa loob ng nakalipas na dalawang linggo, ang lungsod ay nakapagtala lamang ng 52 na nagpositibo o 3.73 percent ng total number ng indibidwal na nagpa-RT-PCR test.