Trending sa Twitter noong Linggo, Nobyembre 6, ang pangalan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca matapos lumabas ang pa-teaser ng upcoming movie na "My Father, Myself" sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan, na isa sa mga opisyal na pelikulang lahok sa 2022 Metro Manila Film Festival o MMFF.

Reunion project nila ito ni Dimples Romana na nakasama na niya sa seryeng "Viral Scandal" sa ABS-CBN. Ito rin ang unang pagkakataong makakasama ni Jake ang aktor na si Sean De Guzman sa isang "Boy Love" o BL na tema. Kasama rin dito ang baguhang si Tiffany Grey.

Kaya naman, nawindang ang mga netizen sa kakaibang plot ng pelikula dahil literal na "kabit-kabit" ang love story sa pagitan ng mga karakter dito, at talaga namang masasabing "mind-blowing".

Mas lalo pang nawindang ang mga netizen sa kissing scenes nina Jake at Sean habang nasa sementeryo sila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/HAKNY39N/status/1588727452930805761

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizeng nakapanood nito.

"When they wanted to ban Kdramas/kmovies and other foreign films so that Pinoy films and Series can shine. Me after watching the trailer of Jake Cuenca's movie (My Father, Myself) You serious bruh?! On Christmas Day? Incest Film? You alright?"

"My father, Myself's plot is too much of a stretch tbh."

"The Filipino LGBT Community wants good representation not whatever that Jake Cuenca movie was juskopolorde! Wholesome Romcom habol namin hindi incest, grooming at pedophilia WTF is thissss NOOOOO MTRCB RATING XXXXXXXXXXXXXX PISTI PILIPINAS."

"All I'm asking is a sapphic romcom for JaneNella nothing more nothing less. Not with the creepy, cringey and disgusting plot twists. Coz WTF I just watched with Jake Cuenca."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jake, ang iba pang cast, o mismong si Direk Joel tungkol dito.