Nakapagtala ang bansa ng halos 700 bagong kaso ng Covid-19 nitong Martes, Nob. 8.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na 694 pang kaso ng viral disease ang nakumpirma, na nagtulak sa bilang ng mga aktibong kaso sa buong bansa sa 16,034.
Ang Metro Manila pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,982.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,855, Western Visayas na may 1,310, Central Luzon na may 998, at Davao Region na may 890.
Samantala, umakyat naman sa 3,931,293 ang kabuuang recoveries at 64,298 ang bilang ng nasawi.
Mula noong 2020, nakapagtala na ang Pilipinas ng kabuuang 4,011,625 na kumpirmadong kaso ng Covid-19.
Analou de Vera