Hinamon ni Roy Mabasa si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na lumantad na at ituro ang iba pang nasa likod ng pamamaslang sa kanyang kapatid na si Percival "Percy Lapid" Mabasa.
Si Bantay ay kabilang sa anim na kinasuhan ng murder nitong Lunes kaugnay sa kaso ni Lapid.
Sa isang television interview, nanawagan si Mabasa kay Bantag na kung mayroong ibang sangkot sa pagpatay kay Lapid ay ituro niya ito dahil ang taong pinatay ng mga ito ay naglalantad lang ng katotohanan.
Nanawagan din ito sa mga awtoridad na imbestigahan pa nang husto ang kaso ng kanyang kapatid.
Sa pahayag naman ng abogado ng pamilya ni Lapid na si Danilo Pelagio, posibleng mayroong pang mga sangkot sa kaso dahil hindi lingid sa kaalaman ng publiko na maraming binabatikos na personalidad ang nasabing mamamahayag.
Napatay si Lapid matapos pagbabarilin sa labas ng gate ng BFResort Village sa Las Piñas nitogn Oktubre 3 ng gabi.