Tuloy na tuloy na nga ang laban ni Herlene "Hipon" Budol sa Miss Planet International sa Nobyembre 19 matapos masolusyunan ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino ang naging isyu sa national costume nito.

Sa isang Facebook post ni Wilbert nitong Linggo, Nobyembre 6, ibinahagi niyang nag-plan B siya matapos madisgrasya ng Ethiopian Airlines ang naunang national costume na gagamitin ni Herlene.

"Sa mga nag tatanong, Opo, na disgrasya na yung National Costume na KARITELANG KALABAW WITH FILIPINO NATIVE PRODUCTS Designed by Patrick Isorena," sey ni Wilbert.

"Bilang National Director ng Miss Planet Philippines, Nag PLAN B nalang ako at nag PULL OUT at pinasabay sa byahe sa Daily Activities INTERPRETER kay Sir Ku Aquino. e reveal namin Soon ang Costume hanggat hindi pa dumating at naka lapag sa tabi namin," dagdag pa niya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa isa pang post, ibinahagi ng talent manager ang pagdating ng panibagong national costume.

"LATEST UPDATE : Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume just Arrived! Thank you lord. tuloy ang lavaaarn!!"

Matatandaang hindi nakarating ang parte ng national costume ni Herlene sa Uganda.

Matatandaang hindi nakarating ang parte ng national costume ni Herlene sa Uganda.

Ibinahagi ng beauty queen ang pagkadismaya niya sa isang Facebook post noong Sabado, Nobyembre 5.

“Nakakaiyak at sobrang lungkot ng Hipon Girl nyo,” panimula niya.

Ikinuwento niya na hinati ng airlines ang national costume niya dahil “over size” raw ito.

“Ang National Costume mukhang na disgrasya po ng Airlines. Pag dating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw. Then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box,” sey ni Hipon.

“Ang masaklap yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng UGANDA. buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. pero 2:30am na at wala na silang paramdam,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/05/national-costume-ni-herlene-budol-hindi-nakarating-sa-uganda-nanawagan-sa-airlines/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/05/national-costume-ni-herlene-budol-hindi-nakarating-sa-uganda-nanawagan-sa-airlines/

Kaya naman humingi agad ng tulong si Wilbert para masolusyunan ang problema nila sa natcos.

“Guys, we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume. Na disgrasya ng Ethiopian Airlines. I need help! Today ang biyahe ng Interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana,” ani Wilbert.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/05/we-need-plan-b-wilbert-tolentino-humihingi-ng-tulong-para-sa-nat-cos-ni-herlene-budol/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/05/we-need-plan-b-wilbert-tolentino-humihingi-ng-tulong-para-sa-nat-cos-ni-herlene-budol/