Nagbukas na nitong Lunes, Nob. 7, ang aplikasyon para sa Miss Universe Philippines 2023.
Kagaya ng naiulat na pagbabago sa kwalipikasyon ng mga kandidatang sasabak sa Miss Universe, ang national brand ng Pilipinas ay tatalima na rin dito.
Sa kanilang anunsyo, malinaw na nilahad na tatanggapin na sa apikasyon ang mga kababaihan “regardless of civil status.”
Ibig sabihin, maaari nang sundan ang Miss Universe dreams maging ng mga kababaihang kasalukuyan o dating may asawa.
Hindi naman malinaw kung bukas na ang national brand sa mga aplikanteng ganap nang ina.
Kabilang sa dagdag na requirements para sa applicants ang pagiging isang Filipino citizen, passport holder, hindi bababa sa high school graduate ang pinakamataas na educational attainment, at edad na 18- hanggang 27-anyos.
Tila hati naman ang opinyon ng netizens kasunod ng naturang pagbabago.
“Regardless of any civil status. Better A Miss should be still the winner. Just my two cents,” komento ng isang pageant fan.
‘”Regardless of Civil Status’. Married and widowed are now welcome to join MUPH,” pagbabahagi ng isa pa,
“Yes to regardless of civil status and no height requirements I LOVE IT!”
“It's nice of MUPH that they have now updated the qualifications as directed by the new MUO owner.”
Tatanggap ng aplikasyon ang MUPH hanggang Enero 29, 2023.