Nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang nakakulong na dating senador na si Leila de Lima.
Ito isinapubliko ni De Lima nitong Lunes, Nobyembre 7.
"When attending recent hearings in the [two] remaining trumped-up charges, with practically jampacked courtrooms, I felt it was just a matter of time before contracting the virus. So it is that last Saturday, Nov. 5, or a day after the hearing in one of the cases, I started having colds, mild cough, itchy throat and joint/body aches short of feverish, which prompted the tests," sabi ng dating senador sa isang television interview.
"Now in self-isolation (nothing new for me) in my isolated detention quarters. Taking anti-viral meds as prescribed by my doctors. Resting, reading a novel, praying," lahad ni De Lima.
Inatasan na rin aniya nito ang kanyang mga tauhan na abisuhan ang mga nakasalamuha niya sa nakaraang pagdinig sa kaso, kabilang na si datingBureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos.
Nitong Biyernes, humingi ng paumanhin sa kanya si Ragos matapos iurong ng huli ang kanyang testimonya na dating nagdidiin kay De Lima sa kasong paglaganap umano ng iligal na droga sa National Bilibid Prison.
Dahil dito, kinansela niMuntinlupa City Regional Trial Court Presiding Judge Romeo Buenaventura, ang pagdinig nitong Lunes at itinakda na lamang sa Nobyembre 21 at Disyembre 5.
Si De Lima ay nakapiit sa Philippine National Police-Custodial Center matapos maaresto noong Pebrero 2017 sa patung-patong na kaso kaugnay sa umano'y paglaganap ng iligal na droga sa National Bilibid Prison.