Nakatakdang inspeksyuninng pulisya ang mga pabrika ng paputok sa Bulacan kasunod na rin ng pagsabog ng isang pagawaan nito sa Sta. Maria sa naturang lalawigan nitong nakaraang linggo.

“Because of what happened in the previous days ay magka-conduct ngayon ng mga random inspection 'yung ating regional Civil Security Unit, katuwang po 'yung ating local police para masiguro po na hindi na po mauulit itong insidente na ito,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Lunes.

Nanawagan din si Fajardo sa mga alkalde na tiyakin na munang nakasusunod sa requirement ng PNP ang mga pagawaan at dealer ng mga paputok bago magbigay ng permit

“Base sa ating coordination last Friday sa chief po ng Firearms and Explosives Office ay itong buwan pong ito, they will be expediting conduct po ng mga seminar dun po sa mga manufacturers and dealers po ng firecrackers and pyrotechnic devices,” sabi ni Fajardo.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Layunin aniya ng naturang hakbang na maiwasan ang insidente ng pagsabog katulad ng nangyari sa isang pagawaan ng paputok sa Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria na sumabog na ikinasugat ng apat na trabahador.

Natuklasan ng pulisya na walang permit ang may-ari ng sumabog na pabrika ng paputok.