Dapat na pumagitna at magpaliwanag ang pamunuan ng Eat Bulaga kasunod ng patuloy pa ring paggiit ng ilang AlDub fans ng ilang delusyonal na kuwento kaugnay ng umano’y pagsasama nina Alden Richards at Maine Mendoza sa totoong buhay.

Ito ang panawagan na kamakailan ng isang Twitter user matapos sumabog online ang video ng isang pagtitipon umano ng fans ng onscreen couple noong Oktubre.

Matatandaang naging viral ito online dahil sa paglalarawan ng ilang netizens na anila’y tila pagiging kulto na ang grupo.

Basahin: Naging kulto na? Umano’y pagtitipon ng ‘delusional’ Aldub fans para sa ‘Tamang Panahon,’ viral! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Everyone should mention @aldenrichards02 and @EatBulaga and tell them to make a statement about the Aldub cult. Help Maine kasi sobrang disturbing na,” panawagan na ng isang Twitter user kamakailan.

https://twitter.com/shittylilsister/status/1588553518889467904

Ayon sa impormasyon ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz channel sa YouTube, maging si Alden ay dumalo rin kasi sa naturang reunion event ng fans.

Sa kabila ng naging paglilinaw ni Maine sa isyu, nauwi pa sa dagdag na pambabatikos ang inabot ng aktres na anang fans ay kasabwat pa umano ni Ogie para bumuo ng “conspiracies” sa viral interview kamakailan.

“Wag tayo mabuhay sa nakaraan,” payo ni Ogie habang tinatanggap naman niya gayunpaman ang pambabatikos ng ilang AlDub fans.

Kagaya ng Twitter user, hiling din ng talent manager na mahingan ng pahayag si Alden at ang Eat Bulaga ukol sa isyu.

“Sana nga maringgan natin ang Eat Bulaga kung ano ang kanilang press statement para dito,” saad ni Ogie. “Hindi dahil sa nakikisawsaw sila sa isyu kundi dahil syempre doon nabuhay ang AlDub,” paggatong ng co-host na si Mama Loi.

Matatandaang namayagpag ang AlDub loveteam matapos ang sinubaybayan at trending na "Kalyerserye" mula 2015 hanggang 2016.

Wala pang reaksyon ukol sa isyu ang aktor at ang noontime show sa pag-uulat.