Umaabot na sa mahigit ₱236 milyon ang halaga ng ayuda na naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng bagyong Paeng.

"Based on our latest data, as of 6:00AM, the DSWD already distributed a total of over ₱236 million na humanitarian assistance to affected communities," ayon kay DSWD Undersecretary for Special Projects Edu Punay, sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

Para aniya sa kanilang cash assistance program, ang mga benepisyaryo ay nakakatanggap ng tulong na mula ₱2,000 hanggang ₱10,000, depende sa kanilang mga pangangailangan. 

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ring 67,000 indibidwal o 16,000 pamilya ang nananatili pa sa evacuation centers habang nasa  mahigit limang milyong katao naman o 1.2 milyong pamilya naman ang naapektuhan ng bagyo.    

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaugnay nito, tiniyak ni Punay na ginagawa ng DSWD ang lahat upang mabigyan ng kaukulang tulong ang mga naturang apektadong komunidad.

"Rest assured, DSWD is doing all we can to reach out to these communities to assist them in their recovery," aniya pa.

Ani Punay, ang ahensiya ay mayroon ring stockpile funds na nagkakahalaga ng ₱1.1 bilyon.