Sinampahan na ng kasong murder si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at limang iba kaugnay sa pamamaslang kay hard-hitting broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Bukod kay Bantag, ipinagharapdin ng kaso sina National Bilibid Prison (NBP) Supt. Ricardo Zulueta, Denver Mayores na galing ng Iwahig Prison at trusted aide ni Bantag, Alvin Labra, Batang City Jail (BCJ) commander, Aldrin Galicia, Sputnik Gang commander, at Happy GoLucky commander Alfie Peñaredonda.

Ang kaso ay iniharap ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) nitong Lunes, Nobyembre 7, pahayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla sa isinagawang pulong balitaan sa kanyang tanggapan.

“A case has been filed with the prosecutors and from then we will proceed with the caseproperand hopefully this issue will be laid to rest the way it should be,” anang kalihim.

National

Tito Sotto, kinumpirmang kinausap ng 3-4 senador ukol sa Senate presidency

Suspendido pa rin si Bantag kaugnay naman sa pagkamatay ng isang umano'y "middleman" sa kaso ni Lapid na si Cristito Villamor Palaña o Jun Villamor habang nakapiit sa NBP.

Si Villamor ay itinuturo ni self-confessed gunman Joel Escorial na nag-utos sa kanyang grupo na patayin ang naturang mamamahayag.

Binawian ng buhay si Villamor apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial nitong Oktubre 18.

Bago namatay si Villamor, ibinunyag niya umano kay Escorial na isang nagngangalang "Bantag" ang nag-utos sa kanya na paslangin si Lapid.

Kamakailan, inihayag ng pulisya na kabilang si Bantag sa persons of interest sa pamamaslang kay Lapid.

Matatandaang pinagbabaril si Lapid habang sakay ng kanyang kotse sa labas ng BF Resort Village sa Las Piñas nitongOktubre 3 ng gabi.