Tiniyak ng liderato ng Kamara na pagtitibayin nito ang P5.268 trillion national budget para sa taong 2023 at maging ang mga nalalabing panukala na napagkasunduan sa pulong ng Legislative-Executive Development Advisory (LEDAC) bago mag-Christmas break ang Kapulungan sa Disyembre 17.

“Of course, on top of our priority list is the final approval or ratification of the proposed P5.268-trillion national budget. We will have a budget before the end of the year,” ani Romualdez.

Sinabi ng Speaker na ira-ratify rin ng Kapulungan ang pambansang budget para maipadala agad ito sa Tanggapan ng Pangulo matapos na i-ratify rin ng Senado.

“One of our main priorities is the ratification of next year’s national budget to provide social safety nets for the people and help them recover from the economic displacement caused by Covid-19. We will work harder for our economy to recover with agriculture as the major engine for growth and employment,” anang Speaker.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiwala si Romualdez na aaprubahan ng Kamara ang 16 sa 18 Common Legislative Agenda (CLA) na nilista ng LEDAC sa pulong nito sa Malacañang noong Oktubre 10.

“We will also speed up the passage of LEDAC-priority bills, including the E-Governance Act and E-Government Act, in response to the appeal of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” ayon kay Romualdez.

Bukod sa konsolidasyon ng E-Governance at E-Government Act bills, sinabi ni Romualdez na kabilang sa 16 na importanteng panukala ang: Medical Reserve Corps, Virology Institute of the Philippines, National Disease Prevention Management, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program, Amendments to the Build-Operate-Transfer Law, Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries, Valuation Reform, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), Internet Transaction Act, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Department of Water Resources, The New Philippine Passport Act, Waste-to-Energy Bill, The Magna Carta of Barangay Health Work, at National Government Rightsizing Program.

Ayon sa Speaker, ipapasa rin ng Kapulungan sa pangatlo at pinal na pagbasa bago ang Christmas break ang Magna Carta of Filipino Seafarers at ang Budget Modernization bills.