Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na pagtutuunan nila ng pansin ang kapakanan ng mga batang Manilenyo.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacuna, kasabay nang pakikiisa ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagdiriwang ng “National Children’s Month.”

Kasabay nito, inanunsyo rin ng alkalde na nilagdaan na niya ang dalawang Executive Orders na parehong naglalayong itaguyod at proteksyunan ang mga bata sa lungsod.

Ayon kay Lacuna, ang pagdiriwang ngayong taon ay may napapanahong tema na nakatuon sa proteksyon ng karapatan, kalusugan, mental wellness atoverall welfare ng mga bata.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sinabi ng alkalde na nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng mga mental issues sa mga batang paslit, base na rin sa ipinapakita ng statistics kahit pa noong bago umiral ang pandemya.

Taong 2015 ang mental health ay naitala bilang pangalawang dahilan ng libo-libong suicide-related deaths sa mga bata.

“Maraming kaso ng depression na nasa high school ay pawang may kinalaman sa exposure sa social media.Maging ang COVID ay nakaapekto. Dahil na rin sa mga problemang ibinunga ng mga pangyayari sa kasagsagan ng pandemya, paulit-ulit na lockdown, nawalan ng pagkakataon ang mga kabataan na lumabas, makihalubilo at magkaroon ng mga gawain,” anang alkalde.

Dahil na rin sa unti-unti ng bumabalik sa normal ang sitwasyon at unti-unti na ring ibinababa ang mga restriksyon, sinabi ni Lacuna na bumabalik na rin unti-unti sa kanormalan ang buhay ng tao tulad noong wala pang pandemya.

“Now is our chance to focus on the state of our children,” pahayag ni Lacuna.

Aniya sa ngayon ang Manila Council for the Protection of Children ay nakapaglatag na ng mga programa na layuning magbigay ng mga hakbang para sa proteksyon at pagtataguyod ng karapatan ng mga bata.

Kabilang dito, ayon kay Lacuna, ay ang pagkakaroon ng capacity building para sa mga kinatawan ng mga bata nitong Marso, pagtatatag ng district multi-disciplinary teams na nagsagawa ng orientation noong Abril at ang pagsasanay ng 10 barangay councils kaugnay ng proteksyon sa mga bata.Mary Ann Santiago