Inaasahan na dadalo si Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Summit na gaganapin sa Brussels, Belgium ngayong Disyembre.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakdang talakayin ng mga pinuno ng rehiyo ang isang free trade deal sa EU.

“Of course, after the ASEAN, he will attend the APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) Summit also in Bangkok, and then in December, the ASEAN-EU Summit in Brussels,” ani DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu sa isang press briefing sa Malacañang.

Nauna na ring naipaulat na sa Disyembre 14 gaganapin ang summit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Espiritu na ang gaganaping commemorative summit ay maaaring maging isang magandang lugar upang makipag-diyalogo sa natigil na negosasyon sa isang posibleng free trade agreement sa pagitan ng ASEAN at EU na nagsimula halos 10 taon na ang nakakaraan.

Samantala, inaasahan rin na dadalo ang pangulo sa 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits na gaganapin naman sa Phnom Penh, Cambodia mula Nob. 10 to 13.

Ito ang unang pagkakataon na dadalo si Marcos sa ASEAN event bilang ika-17 pangulo ng bansa.

Nakatakdang talakayin ni Marcos Jr. at ng kanyang mga kapwa lider sa Southeast Asia ang mga panrehiyon at pandaigdigang isyu tungkol sa ASEAN, at tuklasin ang posibleng pagpapalawak ng kooperasyon sa mga pangunahing lugar

Ito, matapos kumpirmahin ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS), ang pagdalo ni Marcos sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia mula Nob. 10 hanggang 13.

“The 40th and 41st Summits and Related Summits will be held in Phnom Penh, Cambodia next week,” ani Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) sa isang pre-departure briefing.

Ang ASEAN Summit ay ang pinakamataas na policy-making body sa Asean, na binubuo ng mga pinuno ng estado o gobyerno ng mga miyembrong estado ng ASEAN. Ito ay ginaganap dalawang beses sa isang taon at nagsisilbing lugar para sa talakayan at pagtalakay sa patakaran sa iba't ibang mga pag-unlad at pandaigdigang isyu na nakakaapekto sa rehiyon ng Timog-silangang Asya at higit pa.

Ang ASEAN summits at mga kaugnay na pulong ngayong taon na pinamumunuan ng Cambodia ay may temang "Asean A.C.T.: Addressing Challenges Together."

May temang "ASEAN A.C.T.: Addressing Challenges Together" ang 40th at 41st Summits, na binibigyang-diin ang diwa ng Asean ng pagsasama-sama bilang isang komunidad.