Nailalabas na ni 7"2" center Kai Sotto ang kanyang husay sa laro sa National Basketball League (NBL).
Ipinakita ni Sotto ang solidong performance sa huli nilang laro laban sa Perth Wildcats sa Adelaide Entertainment Center nitong Sabado kung saan kumana ito ng walong puntos, tampok ang perfect shooting, kabilang ang naipasok na dalawang puntos sa free throw line.
Gayunman, pinatumba pa rin sila ng Perth, 89-94.
Si Sotto ay ginamit niAdelaide head coach CJ Bruton, sa loob ng 12 minuto at 49 segundo.
Sa kanilang koponan, si Sotto ay ikaapat sa nakapagtatala ng mataas na iskor sa nasabing labankung saan nasa likod siya ninaRobert Franks na nakapagtala ng 24 puntos, Antonius Cleveland (22 puntos), at Craig Randall, Jr..
Sa naturang laban, malaki sana ang pagkakataong maiuwi ng koponan ang tagumpay dahil sa limang puntos na bentahe sa fourth quarter.
Gayunman, kinapos ng lakas ang koponan ni Sotto.
Rumatsada nang husto sa Perth sinaBrady Manek (25 puntos) at Corey Webster na nag-ambag ng 18 puntos.
Pagkatapos ng naturang laban ng Adelaide, titigil muna sa aksyon ang NBL sa loob ng dalawang linggo upang bigyang-daan angFIBA Asia World Cup Qualifying window.