Dahil suki na sa panunuod ng mga news program, nagbahagi ang kolumnistang si Manay Lolit Solis ng ilan niyang obserbasyon kay Pangulong Bongbong Marcos.

Unang napansin ng beteranong showbiz insider at talent manager ang husay umano sa pagtatalumpati ng Pangulo.

“Ang galing mag speech ni PBBM. Kahit ambush o pinaghandaan interview maganda niya napapaliwanag ang mga bagay bagay,” ani Manay Lolit sa isang Instagram update noong Sabado.

Dadag niya, “Napansin ko din na hindi siya banidoso.”

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Ang salitang banidoso ay tumutukoy sa katangian ng isang taong mapagmalaki o mayabang, lalo na dahil sa kaniyang pisikal na anyo.

“Iyon bang kung minsan lumilipad ang buhok niya sa likod na parang hindi nasuklay. Na hindi niya pansin ang hitsura niya. Cute ha. Kasi nga siguro dahil bata siya at talaga naman eversince cute na kaya very confident sa hitsura niya,” anang talent manager.

Sa huli, “para lang one of the guy” at “very approachable tignan” para sa showbiz icon si PBBM, aniya.

Umani ng 239 likes ang IG post ni Manay Lolit sa pag-uulat.