Hindi pa kwalipikadong tumanggap ng booster shot ng bakuna laban sa Covid-19 ang mga batang may edad lima hanggang 11, sinabi ng Department of Health (DOH).

“Hanggang ngayon, hindi pa rin inirerekomenda ng gobyerno ng Pilipinas ang mga booster shots sa ating mga anak na lima hanggang 11 [years old],” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kamakailan.

Ang mga regulatory agencies sa bansa ay hindi pa nagbibigay ng clearance para sa pagbibigay ng booster shots para sa nasabing age group, ani Vergeire.

“Even our experts, wala pa rin pong narerekomenda diyan,” dagdag niya,

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“We will be informing the public kung sakaling magkaroon tayo ng bagong polisiya na nirerekomenda na natin ang boosters for five to 11 pag sapat na ang ebidensya.”

Lumabas sa datos ng DOH na 5,231,460 na bata sa ilalim ng nasabing age group ang ganap nang nabakunahan laban sa Covid-19.

Ang bilang ay kumakatawan sa 48.02 porsyento ng target na populasyon para sa lima hanggang 11 taong gulang na 10,895,015.

Analou de Vera