Nakapagtala pa ng 1,010 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Linggo, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, nasa 4,009,466 na ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa mula nang maitala ang unang kaso nito noong 2020.

Sinabi ng ahensya na sa nabanggit na bagong kaso, 198 ang naitala sa Metro Manila.

Umakyat naman ngayon sa 16,615 ang aktibong kaso ng sakit sa Pilipinas.

Ayon sa ahensya, 34 pa ang binawian ng buhay sa Covid-19 nitong Nobyembre 6 kaya umabot na ito  sa kabuuang 64,274.

Nitong Nobyembre 2, nasa 73.5 milyon na ang nabakunahan laban sa Covid-19, kabilang na ang 20.6 milyong naturukan ng booster shots.