Humihingi ngayon ng tulong ang talent manager na si Wilbert Tolentino para sa national costume ni Herlene "Hipon" Budol na hindi kumpletong dumating sa Uganda. 

Sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Nobyembre 5, kailangan daw nila ng plan B dahil nadisgrasya umano ng Ethiopian Airlines ang gagamiting national costume ni Herlene para sa Miss Planet International sa Nobyembre 19.

"Guys, we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume. Na disgrasya ng Ethiopian Airlines. I need help! Today ang biyahe ng Interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana," ani Wilbert.

Humihingi rin siya ng tulong sa mga netizen.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"We badly need it guys so please give us your entry through Comment Section. Thank you!"

Matatandaang nauna nang ibinunyag ni Herlene ang nangyari sa kaniyang national costume.

“Nakakaiyak at sobrang lungkot ng Hipon Girl nyo,” panimula niya.

Ikinuwento niya na hinati ng airlines ang national costume niya dahil “over size” raw ito.

“Ang National Costume mukhang na disgrasya po ng Airlines. Pag dating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw. Then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box,” sey ni Hipon.

“Ang masaklap yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng UGANDA. buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. pero 2:30am na at wala na silang paramdam,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/05/national-costume-ni-herlene-budol-hindi-nakarating-sa-uganda-nanawagan-sa-airlines/