Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives ng gobyerno ang mahigit P925,000 halaga ng high-grade marijuana (kush) sa isang controlled delivery operation sa Parañaque City noong Biyernes ng hapon, Nob. 4.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa lalaking claimant.

Kinilala ang suspek na si Kristoffer Angelo A. Delgado, 25. Nakorner ito matapos matanggap ang pakete na naglalaman ng kush sa Barangay Don Bosco.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Larawan mula PDEA

Inihayag ng mga ulat ng PDEA na ang pakete na naglalaman ng mga ilegal na sangkap ay nagmula sa California, USA at dumating sa Port of Clark noong Okt. 24, 2022.

"Ang package ay idineklara bilang sweater ngunit kalaunan ay natuklasang naglalaman ng mga mapanganib na droga nang sumailalim ito sa x-ray at K9 inspection," anang PDEA team leader.

Natuklasan ng mga awtoridad sa anti-narcotics na ang pakete ay naglalaman ng humigit-kumulang 588 gramo ng kush, 45 vape cartridge na may marijuana, isang national identification card (ID) at isang cellphone.

Nahaharap si Delgado sa kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act (RA) 9165 o mas kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’’

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Central Luzon, Bureau of Customs Port of Clark, PDEA-National Capital Region (NCR) at ng lokal na pulisya.

Chito Chavez