May mensahe ang 'Wais na Misis' na si Neri Miranda para sa kapwa niyang nanay na araw-araw na ring kumakayod para sa kanilang mga anak. 

"Isang mahigpit na yakaaaaaaap!" caption ni Neri sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Nobyembre 4.

Kalakip ng naturang post ang mensahe para sa mga nanay.

"In case no one has told you lately, you are a great mom!" sey ng asawa ni Chito Miranda.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Kapit lang mga nanay! Makikita rin nila ang value at sacrifices natin para sa kanila. Isang mahigpit na yakaaaaaaap! Nahihirapan pero hindi susuko. Labaaaaaaan lang palagi. Pahinga lang tapos laban ulit. Malalampasan din yan!" aniya pa.

Kilala ngayon si Neri bilang "Wais na Misis" dahil sa kaniyang mga kaalaman tungkol sa pagnenegosyo at pagiging wais din sa paghawak ng pera. 

Kamakailan lang ay kinuhaan niya ng dalawang insurance ang anak niyang si Cash para raw maayos na ang future ng anak hanggang sa maging senior citizen na ito. 

“Nalagay na namin ang money ni Cash sa banko! Salamat sa lahat ng napakagenerous ninongs and ninangs ni Cashypie.At nakakuha na rin ako ng 2 insurance si Cash. Isa pang stocks at isa life insurance,” sey ni Neri.

“Para kapag seniors na sila, di sila maghihintay ng ibibigay ng mga magiging anak nila.. kukunin na lang nila sa insurance nila. O di ba? Sobrang advance ako mag isip? Hanggang sa pagiging senior nila, gusto ko naka ayos na, WAIS eh!at ituturo ko rin sa mga anak namin na ganun din ang gagawin para sa mga anak nila para mas panatag sila na magiging ok ang kinabukasan ng mga bata,” dagdag pa niya.

Kuwento pa niya, kung ano raw ang kinikita ng mga anak niya ay hinahati raw niya ito.

“Kung ano man ang kinikita ng mga bata, hinahati ko. Nilalagay ko sa banko nila, inihuhulog ko sa insurance nila, at iniinvest ko sa property o negosyo. Para income generating, may property na rin, at insured sila. Inaayos ko na talaga yung future ng mga bata."

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/10/27/wais-na-misis-neri-miranda-kinuhaan-ng-2-insurance-ang-anak-may-payo-sa-mga-kapwa-magulang/