Labis ang nararamdamang lungkot ngayon ni Herlene “Hipon” Budol dahil sa nangyari sa kaniyang national costume na gagamitin niya para sa Miss Planet International sa Nobyembre 19. 

Ibinahagi ni Herlene ang pagkadismaya niya sa isang Facebook post nitong Sabado, Nobyembre 5.

"Nakakaiyak at sobrang lungkot ng Hipon Girl nyo," panimula niya.

Ikinuwento niya na hinati ng airlines ang national costume niya dahil "over size" raw ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Ang National Costume mukhang na disgrasya po ng Airlines. Pag dating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw. Then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box," sey ni Hipon.

"Ang masaklap yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng UGANDA. buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. pero 2:30am na at wala na silang paramdam," dagdag pa niya.

Gayunman, nanawagan din ang beauty queen sa Ethiopian Airlines, "Please help me!!"

Kasalukuyang nasa Uganda ngayon si Herlene para sumabak sa naturang international pageant sa Nobyembre 19.

“Manalo o matalo suportahan nyo pa rin ako hanggang sa dulo ah. Love you all at isama nyo ako sa prayers niyo,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/02/herlene-budol-nakatakda-nang-lumipad-pa-uganda-humiling-ng-panalangin-sa-fans/