Iuuwi na sa Leyte ang labi ng umano'y "middleman" sa pagpatay kay hard-hitting journalist Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Nitong Sabado ng madaling araw, inilabas na sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City ang labi ni Cristito Villamor Palaña o Jun Villamor at idiniretso sa airport.

Ini-release ang labi ni Villamor matapos dumating ang mga tauhan ng DOJ sa punerarya, dala ang clearance of release order mula sa Bureau of Corrections (BuCor).

Nauna nang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary, Spokesman Mico Clavano, dakong 4:30 ng hapon, Nobyembre 5, isasakay sa eroplano ng Philippine Airlines ang labi ni Villamor patungong Tacloban City, Leyte.

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Matatandaang namatay si Villamor habang nakakulong sa National Bilibid Prison (NBP) apat na oras matapos lumantad sa publiko ang self-confessed gunman na si Joel Escorial kung saan itinuro niya ito bilang "middleman" at nag-utos umano na ipapatay si Lapid.

Nitong Oktubre 3 ng gabi, pinagbabaril si Lapid habang lulan ng kanyang kotse malapit sa BF Resort Village, Las Piñas City.