Mukhang di pa tapos ang "Halloween" kay hunk actor Tony Labrusca!

Matapos pag-usapan ang kaniyang nakakawindang na "Spider-Man" costume noong Undas na nagpaluwa sa mga mata ng netizens, isa pang peg ang ibinalandra niya sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 2.

View this post on Instagram

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)

National

'Carina,' mas lumakas pa; 3 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1

Walang suot na pang-itaas si Tony at kitang-kita ang wankata, subalit mapapansin ang isang malaki at mahabang bagay na inilagay niya sa kaniyang t… tenga.

Elf naman ngayon ang peg ng lolo n'yo!

Narito ang komento ng mga netizen.

"Tony kung anu-ano inaatupag mo, balik ka na ng Hello Stranger. Charot."

"Mama thank you very much you know that I love chicken nuggetsss."

"Ganitong duwende sana ang magsumpa sakin EME."

"Halloween is not yet over I guess 🔥🔥."

"Kung manununo ako ganito duwende sana !!! Saktan mo ko ako pa mag sosorry hahahh charot."

"The only duwende thats hot and handsome ❤️."

"My king elf!"

Bukod kay Tony, nagsuot din at pinag-usapan din ang Spider-Man costume ni Ronnie Alonte.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/01/loisa-may-pilyang-hirit-sa-netizens-kasunod-ng-viral-halloween-peg-ng-dyowang-si-ronnie/">https://balita.net.ph/2022/11/01/loisa-may-pilyang-hirit-sa-netizens-kasunod-ng-viral-halloween-peg-ng-dyowang-si-ronnie/

Ganito rin ang peg ni Ricci Rivero pero tila "ngangers" at "dismayado" ang mga nag-expect.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/da-best-pa-rin-kay-ronnie-alonte-mga-netizen-disappointed-sa-costume-ni-ricci-rivero/">https://balita.net.ph/2022/11/03/da-best-pa-rin-kay-ronnie-alonte-mga-netizen-disappointed-sa-costume-ni-ricci-rivero/