Kinondena ng Pilipinas ang pinakahuling paglulunsad ng missile ng North Korea, na sinabi nitong lalo pang nagpapataas ng tensyon sa Indo-Pacific region.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Nob. 4, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pagkilos ng North Korea ay nagpapalala lamang sa tensyon sa rehiyon, at nagpapahina sa "kapayapaan at katatagan sa isang pabagu-bagong rehiyon."

Dahil sa paglala ng mga pangyayari, nanawagan ang Pilipinas sa "lahat ng partido na magpigil ng lubos."

Hinikayat din ng bansa ang Hilagang Korea na "tuparin ang mga obligasyon nito sa ilalim ng mga kaugnay na United Nations (UN) Security Council Resolutions at mangako sa proseso ng bukas at mapayapang dayalogo sa Republika ng Korea".

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Joseph Pedrajas