Hindi lingid sa maraming fans na nagmula sa marangyang pamilya si Maine Mendoza bago pa man madiskubre ng Eat Bulaga noong 2015.

Ito ang ang low-key na kinumpirma ng actress-host sa kaniyang panayam kay Ogie Diaz nitong Huwebes.

Dito, natanong kasi ang tinaguriang “Dumbsmash Queen” ukol sa mga na-achieve sa kaniyang pitong taon nang showbiz run.

“Sobrang dami. ‘Yung blessing na ‘yon, naging blessing din not just for me but for my family also,” sagot ni Maine.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gayunpaman, may paglilinaw ang Kapuso star ukol dito.

“Yung iba iniisip din na ‘yung mga business ngayon, fruits of my labor. Actually, ‘yung gasoline station and’yan na po ‘yan even before I ended [up] in the [showbiz] industry. And ‘yung Mcdonalds franchise po, wala po akong ambag dun so pera po yun ng parents ko,” ani Maine.

“Yung iba kasi supporters na who they turned back against me is parang iniisip nila na, ‘Kung ‘di naman sa’min, wala naman kayong ganito, ganyan,’” dagdag niya.

Pagbabahagi naman ng Eat Bulaga mainstay, nakapangalan sa kanilang limang magkakapatid ang parehong franchise ng gasolinahan at fast food chain na aniya’y pera ng kaniyang mga magulang.

“Kasi parang sila gusto nila na meron kaming magkakapatid,” anang aktres. “’Yun ang goal nila. Since five po kami magkakapatid, goal nila na lahat kami, may nakapangalan sa amin,” dagdag niya.

Tila pride naman parents ng Kapuso star ang maibigay ang marangyang buhay sa kanilang mga anak.

“So parang ayaw nilang gamitin ‘yung money that we earned. So fruits of their labor po ‘yun ng parents ko,” sabi ni Maine.

Samantala, sa pitong taon ng host sa showbiz, kung saan kaliwa't kanang proyekto sa big screen, TV projects at brand partnerships na ang nagawa nito, nakatabi lang aniya ang mga kinikita ni Maine.

“Ipon ko po ‘yun for my future, for my future family,” ani Maine.

Pagbabahagi pa ng aktres, nasa bangko lang ang mga naiipong pera.

Tila napaisip naman si Maine sa pag-invest ng kaniyang ipon matapos mabanggit ni Ogie.

Samantala, sa kabila ng kaniyang successful career sa entertainment industry, baon naman ni Maine ang payo ng kaniyang mga magulang.

“Stay grounded all the time,” aniya.

Samantala, ilan pang isyu ang napag-usapan sa interview kabilang na ang chismis ukol sa umano’y anak nila ng onscreen partner at kalahati ng “AlDub” craze na si Alden Richards.

Basahin: Maine Mendoza, nilinaw sa mga diehard AlDub fans na wala silang anak ni Alden Richards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nilinaw din ni Maine sa panayam na nananatili siyang matalik na kaibigan ng aktor.

Matapos ang mahigit tatlong taong relasyon, noong Hulyo, na-engaged si Maine sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.