Pinawalang-saysay na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng dalawang driver na sangkot sa magkahiwalay na aksidente nitong Setyembre.

Ito ay nang mapatunayan ng LTO Intelligence and Investigation Division at LTO National Capital Region (NCR) - West na nagkasala sinaRaymond Zapirain at Rodolfo Cudiamat sa reklamong“Reckless Driving at Improper Person to Operate Motor Vehicles."

“Both were meted with a fine of₱2,000 for the Reckless Driving infraction,” ayon sa LTO.

“Both drivers were instructed to turn over their licenses to the LTO NCR-West Traffic Adjudication Section,” ayon sa ahensya.

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Sina Zapirain at Cudiamat ay pinagbawalan nang makakuha pa ng lisensya habambuhay at makapagmaneho ng sasakyan.

Sa kaso ni Zapirain, nasagi nito ang 63-anyos na street sweeper na si Doreen Bacus na ikinasugat nito saBarangay BF Homes, Parañaque City nitong Setyembre 24.

Nabangga naman ni Cudiamat ang isang tatlong taong gulang na bata na ikinasugat ng kasamahan nito sa Barangay San Antonio, Parañaque City nitong Setyembre 20.

PNA