Ibinida ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kaniyang obra maestra sa Instagram noong Oktubre 31, na walang paliwanag kundi caption lamang na "I am woman".

Kapansin-pansing napakaganda ng kaniyang pagkakapinta sa tila mahihinuhang ari ng babae na nagpaluwa naman sa mga mata ng netizens dahil sa husay at kasiningang ipinakita nito.

Makikitang kulay-pink ang kaniyang iginuhit at sa ibabaw nito ay may mga maliliit na dilaw na bulaklak. Bukang-buka naman ang nasa gitna nito. Sa magkabilang pisngi ay may tila hugis-crescent na buwan.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Kalakip din nito ang video ng paglalagay niya ng maliliit na bulaklak sa ibabaw ng bukana ng kaniyang ipininta.

Matatandaang ang aktor na si Richard Gomez ay may painting naman ng ari ng lalaki na pinag-usapan at umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Sabi nga, ang sining ay isang uri ng ekspresyon ng personalidad ng taong gumawa nito, kaya kudos sa iyo, Kylie!