Dalawa sa 106 na bus at tricycle driver ang lumabas na positibo sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang surprise drug test sa isang bus terminal sa Sta Rosa, Laguna, kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes, Nob. 4.

Ang PDEA ay nagsagawa ng "OPLAN HARABAS'' noong Nobyembre 3 upang matukoy kung sino sa mga tauhan ng public utility vehicle (PUV) ang gumagamit ng iligal na droga habang bumibiyahe sa kanilang ruta. Ang test ay ginawa sa pakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), at lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa.

Ang pagkakakilanlan ng dalawang driver na nagpositibo sa iligal na droga sa isinagawang screening test ay hindi inilabas ng mga awtoridad.

Ipinahayag ng PDEA na ang dalawang driver ay ieendorso sa kani-kanilang LGU para sa tamang interbensyon kung magpositibo ang confirmatory test para sa iligal na droga dahil maraming PUV driver sa terminal ay residente ng mga karatig bayan ng lalawigan at malalayong lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mariing itinulak ni Barangay Quirino-2-C village security chief Rocky Naquila, na nasa terminal noong sorpresang drug test, ang kahalintulad na ‘anti-illegal drug activities’ sa mga tricycle driver.

“Ako po ay buong nagpapakumbaba sa PDEA na magsagawa ng maraming surprise drug tests para sa mga tricycle drivers na ang ilan ay tagahatid ng shabu, marijuana at iba pang pinagbabawal na gamot,” ani Naquila.

“Sana magawan ng paraan ng pamahalaan ang aking panukala para kung hindi man mapuksa ay mabawasan man lang ang paggamit at bentahan ng ilegal na droga,” dagdag niya.

Sinabi ng PDEA na ilang tricycle driver ang nagtakbuhan nang isagawa ang drug test sa terminal.

Gayunpaman, sinabi ng PDEA na wala silang intensyon na takutin ang mga PUV driver dahil nais lamang nilang isulong ang drug-free workplaces, treatment, at rehabilitation sa mga PUV driver na mahuhuli na gumagamit ng ilegal na droga.

Chto Chavez