Hindi magkamayaw ang mga papuri at paghangang natatanggap ni Kapuso actress Andrea Torres sa kaniyang markadong pagganap bilang si "Sisa", ang inang nawala sa sariling katinuan sa nobelang "Noli Me Tangere" ni Dr. Jose Rizal, na binibigyang-buhay ngayon ng fantasy series na "Maria Clara at Ibarra" sa GMA Network.

Trending sa Twitter ang "Sisa", "Andrea Torres", at maging ang hashtag na "#MCIKumpisal" dahil sa nakadudurog-pusong eksena matapos na hindi na masilayan ni Sisa ang kaniyang mga anak na sina Crispin at Basilio.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/GMADrama/status/1585971929336360961

Nangilabot din umano ang mga manonood nang bigkasin na ni Sisa ang linyahang "Crispin, Basilio, ang mga anak ko!" na matagal nang ginagamit sa mga parodiya o kaya naman ay kapag may eksenang gaya nito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ang husay mo Andrea Torres! Deserve mong magka-award. Nakakaiyak!"

"Sa tanda kong ito ngayon ko lang talaga naintindihan kung saan at paano nabaliw si Sisa… hindi na nila gagawing biro ang salitang Sisa ngayon… kasi ngayon pag sinabing baliw, Sisa na agad…"

"Inuulit ulit ko pa din yung scene at iyak pa din ako ng iyak! Galing mo mhieee! Galing ng buong team! Congrats!"

"You deserve an Best Actress Award Bb.Andrea Torres… si Sisa hindi lang isang baliw, kundi baliw sa pagmamahal sa kaniyang anak.. Congrats po."

Sa kaniyang tweet ay nagpasalamat ang aktres sa overwhelming na papuri sa kaniya.

"Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate 🙏 Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best 🙏❤️🥲 TGBTG. #MCIKumpisal."

Umani rin ng papuri ang akting ni Barbie Forteza bilang Klay dahil wala raw siyang magawang baguhin ang mga nakasaad na pangyayari sa nobela ni Rizal.

Sa isang eksena rin sa simbahan, trending din ang dasal ni Barbie kung bakit hinahayaan ng Diyos na gawin ng mga prayle ang pang-aabuso sa kababaihan pati na sa mga bata.