Naniniwala ang fitness instructor, vlogger, at motivational speaker na si Rendon Labador na ang gambling o pagsusugal ay hindi naman masama kundi libangan pa nga, lalo na kung ang isang tao ay successful o matagumpay sa kaniyang trabaho o larangan, at may extrang pera upang gawin ito.

Nagkomento si Rendon sa comment section ng Balita Online kung saan napaulat ang naging sagutan nila ng blogger at doktor na si Doc Adam Smith. Parunggit kasi ng manggagamot, "namotivate" siya ni Rendon na subukin ang "online gambling" at uminom ng fat burning coffee.

Sinagot naman ito ni Rendon na "Yung gambling kasi Doc Adam pang mga doctor lang yan na merong 'extra' money, ngayon kung saktuhan lang ang pera mo tapos hindi mo pa tapos lahat ng kaso against you… I don’t recommend recreational gambling to you."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-doc-adam-nagkasagutan-nagpatutsadahan-sa-socmed/">https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-doc-adam-nagkasagutan-nagpatutsadahan-sa-socmed/

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakarating naman sa kaalaman ni Rendon ang ulat ng Balita Online at nagkomento tungkol dito. Muli niyang inulit at pinanindigan ang kaniyang mga tinuran.

"BE RESPONSIBLE! KUNG WALA KANG PERA HUWAG KANG MAG SUGAL," ani Rendon.

"Ang gambling ay libangan ng mga taong successful na mayroong extra money. Masyado lang kasing inaabuso ng mga mahihirap nating kababayan ang libangan na para lang sa may mga pera."

Screengrab mula sa Balita Online

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Rendon Labador ako sayo manahimik la na lang Rendon. Ampaw na motivational speaker ka lang naman na vlogger. Eh si Doc Adam professional doctor 'yan. Kahit saan mo tignan, angat sayo 'yan."

"Rendon Labador from now on, you should call him Doc. 'GO FUND ME' ADAM 🤣🤣, Di ba nanlimos siya kasi kinasuhan HAHAHA, tapang-tapang wala naman pambayad eh."

"Still pino-promote mo paren, ampaw!"

"Rendon Labador, the ironic is your followers are not all mayaman boss. Mostly mahirap."

"Kalalaki mong tao kadaldal mo. Magkapatid nga kayo ni Bagyo. Parehas kayong puro dakdak puro hangin."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rendon sa mga naging komento ng mga netizen tungkol sa kaniyang pahayag.