Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi sapat ang 20 bilyong piso na halaga ng calamity funds para sa susunod na taong 2023. Kaya naman panawagan niya, i-realign ang confidential and intelligence funds (CIFs) bilang disaster response.

Ang pahayag na ito ay ginawa matapos ang paghagupit ng Bagyong Paeng na sa bansa.

Nagpahayag ng suporta si Pimentel sa panukalang pagpapalaki ng P31 bilyong National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fund sa ilalim ng 2023 General Appropriations Bill (GAB) dahil ang bansa ay nakakaranas ng average na 20 tropical cyclones kada taon.

"Given these 20 tropical cyclones a year and the fact that the Philippines is located in the Pacific Ring of Fire, it is imperative to pump more funds into disaster and calamity response and recovery programs," ani Pimentel.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Naniniwala ang senador na hindi sapat ang pondo ng pamahalaan para sa calamity fund ng Pilipinas para sa susunod na taon, kaya naman, ipinanawagan niyang bawasan ang confidential at intelligence funds (CIFs) at ilapat sa disaster fund.

"Let us cut confidential and intelligence funds (CIFs) and re-channel this much-needed allocation to strengthen our disaster response capabilities," anang senate Minority Leader.

Inaasahan na sisimulan na ng Senado sa susunod na linggo ang talakayan sa plenaryo sa P5.268 trilyong proposed national budget para sa taong 2023.