Bumaba ang bilang ng mga taong dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC), nitong Undas.  

Mismong si acting Manila Mayor Yul Servo-Nieto ang nagkumpirma nito, nitong Miyerkules, Nobyembre 2.

Ayon kay Servo, batay sa ulat nina  MNC Director Yayay Castañeda at MSC chief Jonathan Garzon ay naging mapayapa rin sa pangkalahatan ang paggunita sa Undas sa mga naturang sementeryo.

Gayunman, may mga prohibited items pa rin silang nakumpiska.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nabatid na ang MNC at MSC ay binuksan sa publiko mula pa noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Sarado naman ito noong Oktubre 29 at 30 dahil sa bagyong Paeng.