Ito ang diretsang payo ng singer-actress na si Kakai Bautista na umaani ngayon ng sari-saring reaksyon online.

Sa isang Facebook page, bagaman noon pang Oktubre 21 ibinahagi, viral ngayon ang direktang pahayag ng aktres ukol sa kontrobersyal na usapin.

Matatandaang nananatiling malaking isyu sa bansa ang unwanted pregnancy dahilan ng patuloy na paglobo ng ating populasyon.

“’Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin,” rektang pahayag ng 44-anyos na si Kakai sa isang netizen.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

“Maawa ka sa batang hindi makakain nang tama, makakapag-aral nang tama at hindi mo mabibigyan ng magandang future dahil lang GUSTO mong magkaanak nang hindi mo plinano at pinag-isipan,” dagdag niya.

Pinalagan din ng aktres ang karaniwang pamantayan ng lipunan, lalo na sa Pilipinas, ang pagkakaroon dapat ng anak ng mga kababaihan.

“Hindi kasalanan ang hindi mo gustuhing magkaanak, ang kasalanan ay ang hindi mo kayang buhayin nang maayos ang magiging anak mo,” mariing pagpupunto ni Kakai.

“Mabuhay ka within your means. Sa mga bagay na kaya mo lang isustain,” dagdag niya.

Sa pambihirang pagkakataon, sinang-ayunan naman ang naturang viral Facebook post ng maraming netizens.

Anila, kailangan na umanong maputol ang “toxic culture” ukol sa pagkakaroon ng anak nang walang kakayahang makapagbigay ng maayos na buhay.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 10,000 reactions at 7,600 shares na ang inani ng viral post.