Kinumpirma na ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Miyerkules, Nobyembre 2, ang pagbitiw niya bilang miyembro ng political party na Aksyon Demokratiko.
Sa isang pahayag na inilabas ni Sotto, na nai-post sa kanyang Twitter account, inihain niya ang kanyang pagbibitiw sa partido noong Hulyo, dalawang buwan pagkatapos ng Pambansang at Lokal na halalan noong Mayo 2022.
"But since media has now reported it, here is my resignation letter," ani Sotto.
Sa kanyang resignation letter, sinabi niya na sumali siya sa Aksyon Demokratiko noong 2018, sa paghahanap ng reform-oriented political party na naninindigan para sa prinsipyong pulitika at inclusive governance.
Ikinagalak niya rin ang pagkapanalo niya bilang alkalde ng Pasig sa ilalim ng Aksyon, kung saan ay tinalo niya ang noo'y incumbent na si Robert Eusebio — na ang pamilya ay nangibabaw sa pulitika ng Pasig sa loob ng halos tatlong dekada.
“Unfortunately, recent events have made it apparent that the party is now headed towards a different direction. I believe that we are no longer a group of individuals with similar political goals and ideals," dagdag pa ng alkalde.
Sinabi ni Sotto na nagpasya siyang ipagpaliban ang kanyang pagbibitiw hanggang matapos ang halalan nitong Mayo dahil sa kanyang paggalang sa pamumuno at mga miyembro ng partido.
Tumakbo si Sotto sa ilalim ng banner ng Aksyon Demokratiko nang manalo siya sa kanyang unang termino sa pagka-alkalde noong 2019, na tinalo ang noo'y incumbent na si Robert Eusebio, na ang pamilya ay nangibabaw sa pulitika ng Pasig sa loob ng halos tatlong dekada.
Matatandaan din na si Sotto ay tumataya pa rin sa Aksyon Demokratiko nang muli siyang mahalal nitong Mayo.
Noong 2022 elections, ang standard-bearer ng Aksyon ay si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na nabigo sa kanyang presidential bid.
Si Isko rin ang party president ng Aksyon.
Samantala, hindi nag-endorso ng sinumang kandidato sa pagkapangulo si Sotto. Siya ay pamangkin ni dating Senate president Vicente Sotto III, na tumakbong bise presidente bilang running mate ng isa sa mga karibal ni Isko na si dating senador Panfilo “Ping” Lacson.
Ang Aksyon Demokratiko o Aksyon ay isang partidong pampulitika sa Pilipinas na itinatag ni Raul Roco. Kinilala ito bilang isang pambansang partidong pampulitika noong 1998 ng Commission on Elections (Comelec) at itinuturing na isa sa mga pangunahing partidong pampulitika sa Pilipinas.