Hindi nakaligtas sa CCTV footage ang pagkuha ng TikToker na si "Otlum" o Peejay Dela Cruz sa cellphone ng isang storeowner sa Maynila, na naging dahilan upang bumagsak siya sa piitan.

Depensa niya sa sarili, nakita lamang niya ang cellphone na pakalat-kalat kaya kinuha niya ito at ibinenta. Tila sinisi pa niya ang storeowner na may-ari ng kinuhang cellphone dahil hindi niya umano iningatan ang isang mahalagang gadget gaya nito.

"Ang depinisyon ng magnanakaw ay papasok sa isang establisyimiento at walang abog-abog ay magbubuklat at kukuha ng mga bagay na nasa pribadong lugar. Pero ang nangyari po sa akin, ako po ay nasa labas ng tindahan, hindi po ako pumasok. Nakita ko lamang ang cellphone na ito sa ibabaw ng pasimano at ito po ay aking kinuha. Hindi po masama ang aking ginawa dahil ang akin pong konsensya ay clear," paliwanag ng content creator.

Makikita rin sa video na sa halip na akuin at aminin ang ginawa ay nakipagmatigasan pa sa pagtatanggol sa kaniyang sarili ang TikToker.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iginiit din niyang hindi siya masamang tao at wala pa siyang police record; hindi pa rin siya nakukulong o nakakasuhan dahil sa pagnanakaw.

Narito naman ang iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Need mong bumalik ng kinder."

"Twisted mind and self-defense hahaha."

"Ganyan ang katwiran ng mga ganyang klaseng tao. Yung buking na ayaw pa umamin."

"According to Article 308 of the Revised Penal Code (RPC) of the Philippines, theft is committed when — without using force, intimidation, or violence, — a person takes personal property belonging to another without consent."

"Kahit nakita lang niya sa labas nang tindahan dapat pinagsasabi niya kung sinung may ari nito,hindi basta nalang kinuha at ibinenta pa ayun tuloy."

"Sa lahat ng magnanakaw dito ako natawa talaga eh… lupet mangatwiran eh…"