Sapat pa rin ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa bansa kahit pa malaki ang iniwang pinsala ng bagyong Paeng.

Sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI), nakikipagtulungan na sila sa Philippine Chamber of Food Manufacturers upang matiyak na hindi nauubusan ng suplay ng mga produktong kailangan ng publiko araw-araw. 

“The price and supply of basic necessities and prime commodities are generally stable based on the latest nationwide situational report,” banggit ni DTI Secretary Alfredo Pascual.

“We remind businesses and traders to comply with the price freeze on basic necessities in areas under a state of calamity,” anang opisyal.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Kaugnay nito, nanawagan si Pascual sa mga negosyante na ipairal ang price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity sa loob ng 60 araw, maliban na lamang kung aalisin ito ng Pangulo ng Pilipinas.

Nitong Miyerkules, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Proclamation 84 na nagdedeklarang isailalim sa state of calamity ang Regions IV-A (Calabarzon), V (Bicol), VI (Western Visayas), at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Matatandaang lumabas na ng bansa ang bagyong Paeng nitong Lunes ng hapon matapos manalasa sa malaking bahagi ng bansa