Nagbigay ng reaksiyon at saloobin ang fitness instructor-vlogger na si Rendon Labador sa mga naging pahayag ng blogger-doctor na si "Doc Adam Smith" hinggil sa kaniyang naoobserbahang mga content ng vlogs na madalas tangkilikin at suportahan ng mga Pilipino, ayon sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 31.

Ayon kay Doc Adam, "The most famous vlogs in the Philippines are mindless dumb pranks, tsismis or poverty porn."

"Bukod pa dyan these vloggers promote and sell unethical bs to their audience. gambling, networking companies and expensive vitamins or “weight loss” drinks are all commonly seen being promoted on their channels," dagdag pa niya.

Hindi naman niya naiwasang maihambing ito sa ibang bansa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"In other countries, vloggers become famous for travel, food, commentating on topical issues, catching and debunking scammers, and science."

Kaya tanong niya, "When will the Philippine audience learn to appreciate content that offers them value? When will Filipinos stop wasting their lives consuming rubbish, mindless and at times harmful vlogs?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/31/doc-adam-ibinahagi-ang-obserbasyon-tungkol-sa-bet-na-content-ng-vlogs-ng-mga-pinoy/">https://balita.net.ph/2022/10/31/doc-adam-ibinahagi-ang-obserbasyon-tungkol-sa-bet-na-content-ng-vlogs-ng-mga-pinoy/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"True. That is why watching those vlogs is a waste of time."

"Wala ng chance Doc. Ang gusto lang namin ay tumawa nang tumawa Doc habang nagpapaputi, nagpapakinis at nagpapayaman."

"So true… some doing vlogs while exploiting their body to catch viewers… I think its time to set restrictions…"

"So true. Mostly garbage contents. And worst it can be watched by kids."

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang naging bardagulan ng kapwa vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Sa comment section ng pubmat ng isang pahayagan ay naglabas naman ng kaniyang reaksiyon at saloobin tungkol dito si Rendon.

"May right ang bawat tao piliin ang mga content na gusto nilang i-consume. Hindi na natin control yun Doc. We need to work hard para slowly mabago ang mindset ng mga Pilipino. WE HAVE NO CHOICE," ayon kay Labador, na tumunog ang pangalan kamakailan dahil sa pagkasa sa hamon ni "Pinoy Sakuragi" Marc Pingris na mag-one-on-one sila sa basketball.

Payo pa ni Labador, magpokus lamang sa sariling content dahil ito lamang ang kayang kontrolin ng sinumang vloggers at social media influencers na kagaya nila. Hayaan daw ang viewing public na magdesisyon kung aling content ang bet nilang i-consume, tangkilikin, o suportahan.

Sana rin daw, hindi mawalan ng motibasyon ang iba pang vloggers at content creators na gumawa pa ng iba't ibang value- driven contents.

"There is hope," ani Rendon.

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Ibinahagi naman ni Doc Adam ang social media post ni Rendon at kinomentuhan.

"Rendon Labador, I thought you were a Motivational speaker yet what you say somehow Demotivate's me #Rendon 'DemotivatesMe' Labador," aniya.