Inanunsyo ng Quezon City government na ang “QCProtektodo” Covid-19 vaccination program ay hindi na gaganapin sa mga partner nitong malls tuwing weekend simula ngayong buwan.

Sinabi ng pamahalaang lungsod noong Martes, Nob. 1, na ang mga indibidwal na gustong makuha ang kanilang hindi nakuha na inisyal at pangalawang dosis, at mga booster shot sa mga mall ay dapat munang magparehistro online at mag-book ng kanilang mga iskedyul at lugar ng pagbabakuna sa Covid-19 sa pamamagitan ng “QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy).”

Idinagdag nito na ang kumpletong iskedyul para sa mga pagbabakuna sa mga malls ay ipo-post sa opisyal na Facebook page at website nito.

Maaari din umanong bumisita sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar ang mga nais magpabakuna tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 ng umaga hanggang 4 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dapat silang magdala ng government-issued identification card. Dapat ding ipakita ng mga nakatakdang kumuha ng kanilang pangalawang dosis o booster jabs ang kanilang mga card sa pagbabakuna sa Covid-19.

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga tatanggap ng bakuna na dumating sa mga lugar ng pagbabakuna 15 minuto bago ang kanilang iskedyul.

Noong Nobyembre 1, nakatala ang pamahalaang lungsod ng kabuuang 6,721,153 indibidwal na nabakunahan laban sa Covid-19 — 2,599,028 sa kanila ang ganap na nabakunahan, 2,600,988 ang nakakuha ng kanilang unang dosis, 1,204,341 ang nakatanggap ng kanilang unang boosters, at316,796na booster ang nabigyan ng pangalawang jab.

Nauna nang itinigil ng Lungsod ng Maynila ang parehong programa kamakailan.

Basahin: Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na ng lungsod ng Maynila – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aaron Homer Dioquino